Abu Sayyaf member tiklo sa QC

Abu Sayyaf member tiklo sa QC

September 15, 2021 @ 8:42 AM 7 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Naaresto ang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Quezon City, batay sa ulat.

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si Albazir Abdulla.

Naaresto si Abdulla sa bisa ng warrant arrest ng National Bureau of Investigation.

Nahaharap ito sa kasong kidnapping sa ilang empleyado ng Golden Harvest Plantation sa Basilan noong 2001.

Itinanggi naman ni Abdulla na miyembro siya ng grupong terorista.

“Hindi talaga ako Abu Sayyaf. Wala akong alam diyan sa pang-ki-kidnap na ‘yan.”

Samantala, sinabi na NBI counter terrorism division chief Atty. Gregorio Zuñiga na may ebidensya sila na ito ay miyembro ng ASG.

“May ebidensiya kami na active pa sila so nandito sila sa Metro Manila para magpahinga pero kapag mayroon silang misyon, bumabalik sila sa Mindanao.” RNT/FGDC


  •  
  •  
  •