Abu Sayyaf patay sa Sulu clash —militar

Abu Sayyaf patay sa Sulu clash —militar

July 10, 2021 @ 12:43 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Patay ang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa naganap na enkwentro sa Talipao, Sulu, batay sa Joint Task Force Sulu.

Ayon kay Major General William Gonzales, Philippine Army’s 11th Infantry division commander, natagpuan ang bangkay nito sa clearing operations matapos ang gulo.

Nakalaban ditto ang 20 hinihinalang ASG member bandangt12:20 p.m. kahapon sa Bud Daho, Barangay Lumping Pigi Daho.

Pinaniniwalaan namang nasa ilalim ito nila sub-leader Mundi Sawadjaan at Ellam Nasirin.

Narekober din ang 14 hammocks; walong  ponchos; tatlong pares ng boots at foodstuffs, batay kay 1101st Infantry Brigade Commander Brigadier General Antonio Bautista Jr.

“Our combat trackers are doing their best to locate this group. Bloodstains were found at the temporary encampment and we believe that at least two other bandits are wounded during the 20-minutes gun battle,” dagdag pa nito. RNT/FGDC