Abueva balik-laro na sa PBA

Abueva balik-laro na sa PBA

October 19, 2020 @ 4:11 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

CLARK FREEPORT – Inaasahang matatapos na ang matagal na paghihintay ng mga fan at muli na nilang matutunghayang naglalaro sa PBA ang kanilang basketball hero na si Calvin Abueva.

Ayon sa insider, sasabak na sa laro si Abueva para sa Fuel Master ngayong Linggo sa PBA Philippine Cup matapos ang pamamahinga ng mahigit 15 buwan.

Maaari umanong maglaro na si Abueva sa laban ng Phoenix kontra sa TnT Tropang Giga para sa showdown sa pagitan ng dalawang walang talong team o kaya ay kontra sa Magnolia sa Biyernes.

Pero mas maganda umanong maging comeback game ni “The Beast” ang laban kontra sa Barangay Ginebra sa Miyerkoles.

Kinausap ni Commissioner Willie Marcial ang 32-year-old na si Abueva noong Sabado pero walang detalyeng inalabas kaugnay sa kanilang napagmitingan.

Ang pagbisita ni Marcial ay ginawa tatlong araw matapos makumpleto ni Abueva ang requirements na hiningi ng Games and Amusements Board (GAB) para muli itong bigyan ng bagong playing license.

Sinabi ni Phoenix team manager Paolo Bugia na hindi pa sila inaabisuhan ng Commissioner’s Office kaugnay sa pag-alis sa ipinataw na indefinite suspension kay Abueva.

Kinumpirma naman ni GAB chairman Baham Mitra na nabigyan na ng bagong lisensya si Abueva pero nanatili itong nasa ilalim ng probation period sa loob ng anim na buwan.

Kung maglalaro si Abueva kontra sa TnT, magmimistula itong “dejavu” dahil nabigyan ang 32-year-old na si Abueva ng suspension habang naglalaro kontra TnT noong June. Rico Navarro


  •  
  •  
  •  

Loading...