Abueva ‘di pinayagang lumaro sa bubble

Abueva ‘di pinayagang lumaro sa bubble

September 25, 2020 @ 9:49 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Hindi pa rin pinayagan ng Philippine Basketball Association (PBA) si Phoenix Super LPG star Calvin Abueva na makapaglaro sa muling pagbubukas ng liga sa bubble sa Clark, Pampanga.

Ito’y sa kabila na nagawa na lahat ni Abueva ang mga kundisyon na inilatag ng PBA para matanggal ang ipinataw na indefinite suspension sa kanya.

Dahil umano sa pagtanggal kay Abueva, mayroon na lamang 24-man lineup ang Phoenix sa PBA restart.

Kung matatandaang, pinatawan ng suspensyon si Abueva noong Hunyo 2019 dahil sa ilang on-court na insidente.

Ayaw namang magsalita ni Abueva kaugnay sa hindi pagpayag ng PBA na makapaglaro siyang muli. Rico Navarro


  •  
  •  
  •  

Loading...