Abueva, Phoenix mapapalaban sa Alaska

Abueva, Phoenix mapapalaban sa Alaska

October 29, 2020 @ 1:00 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

PAMPANGA – Mapapalaban ng husto si Calvin Abueva sa pagsabak ngayon araw (Huwebes) ng Phoenix Super LPG kontra sa mabangis na Alaska Aces sa elimination round ng PBA Philippine Cup sa  larong gagawin sa Angeles University Gym sa Pampanga.

Matapos ang magandang simula sa muling pagbabalik sa liga, ipakikitang muli ni Abueva ang kanyang talent sa ganap na ika-apat ng hapon kontra Aces.

Ang laban din ng Phoenix at Aces ang magmamarka ng unang pagharap ni Topex Robinson bilang head coach kontra sa Alaska kung saan siya naglaro at naging assistant coach.

Inaasahang mapapalaban nang husto si Abueva dahil ang dalawang team ay parehong determinadong makuha ang panalo PBA elims.

“Magandang laban and we have to be ready lalo na nand’yan si Calvin,” ani Vic Manuel na isa sa sinasandigan ng Alaska.

Magandang laban din umano ito para sa positioning sa team standings.

Matatandaang kumamada si Abueva na halos triple-double sa pagbabalik niya sa PBA matapos tulungan ang Phoenix sa panalo kontra NLEX, 114-110.

Sumunod na araw naman ay tinalo ng Aces ang Terrafirma Dyip, 99-96, sa malupit ding sagupaan.

Malaking challenge ngayon para sa Aces kung paano mapipigilan ang adrenalin ng Fuel Masters dahil na rin sa pagbabalik ni Abueva.

“Focus ako na makatulong na makuha kung ano ang minimithi ng team,” ani Abueva. Rico Navarro


  •  
  •  
  •  

Loading...