Abusado, manyak sa mga paaralan pinatututukan kay VP Sara

Abusado, manyak sa mga paaralan pinatututukan kay VP Sara

October 2, 2022 @ 3:57 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nanawagan ang isang anti-abuse group kay Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte na umaksyon na at tutukan ang isyu ng mga “campus predators” o mga nang-aabuso sa eskwelahan.

“The DepEd must act decisively if they wish to stamp out the menace of campus predators, rid their agency of disreputable personnel and protect the youth,” paghimok ni Sophia Beatriz Reyes, lead convenor ng Enough is Enough.

Ang Enough is Enough ay isang youth advocacy organization ng mga victim-survivors ng pang-aabusong sekswal sa mga paaralan.

Lumitaw ang panawagan ng grupo dahil umano sa tila mabagal na aksyon partikular na sa isyu ng mga campus predators o pang-aabuso ng ilang guro sa Bacoor National High School at may lakas nang loob pa umanong pagbantaan ang isa mga naglabas ng isyu sa social media. RNT/JGC