Abusadong Grab at gobyerno vs simbahan

Abusadong Grab at gobyerno vs simbahan

July 13, 2018 @ 6:27 AM 4 years ago


 

Nagdesisyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board na pagmultahin ang Grab ng P10 milyon dahil sa iligal nitong paniningil ng P2 kada-minutong biyahe ng pasahero.

Tama lang o baka kulang pa nga ang P10M multa kung pag-aaralan nang husto ang kinita ng Grab sa haba ng panahon na paniningil nito ng extra na P2.

Dapat talagang bigyan ng leksyon ang nasabing kompanya sa paniningil ng nasabing halaga nang walang pahintulot ang LTFRB.

Nangatwiran na nagpaalam ang Grab subalit lumabas sa imbestigasyon na wala talagang pahintulot ang LTFRB.

ISAULI ANG P2

Kasabay ng pagpapamulta sa Grab ang kautusan na isauli nito sa mga kostumer ang singil nitong P2.

Aba, dapat na subaybayan nang husto ng LTFRB ang usaping ito upang maramdaan ng mga kostumer ang reimbursement.

Ayon sa LTFRB, ang petsa na sakop ng pagsasauli ay June 5, 2017 hanggang April 10, 2018.

Umabot din ng nasa 10 buwan ang paniningil ng Grab ng P2 per minute.

Imadyinin ninyo, mga Bro, na kung may isang oras ang biyahe, nasa P120 at kung dalawang oras, P240.

Kung nag-Grab ka ng 10 beses sa loob ng isang buwan at kwentahin mo ito sa 10 buwan, malaki-laki.

Halimbawang nakaisang oras ka, nasa P1,200 din yan sa isang buwan at kung naka-10 buwan ka, pinagkaperahan ka ng Grab ng P12,000.

Kung dalawang oras ang biyahe, dapat P24,000 ang isasauli ng Grab.

MAGSUMBONG SA LTRFB

Dapat maramdaman ang reimbursement ng mga pasahero at makita ito sa kanilang account.

Kung hindi, anak ng tokwa, dapat kumilos ang LTFRB at tulungan ang mga pasahero.

Imadyinin ninyo, may surge pricing o mataas nang singil ang Grab sa kasagsagan ng pasahero, may P2 pang patong kada minuto.

Hindi ba may pandurugas na malaki riyan?

PASPASAN ANG TREN

Kung iisipin, bagama’t masasabing may bentahe ang Grab kumpara sa sa ibang pampasaherong sasakyan dahil pupwedeng dumaan ang mga ito kahit saan para makaiwas sa trapik, laman pa rin ang mga ito ng kalsada na labis na nagpapasikip sa daloy ng trapiko.

Tingan ninyo, nang mawala ang Grab at Uber sa pagkakasuspinde ng ilang biyahe ng mga ito, gumaan ang trapik dahil 20 porsyento pala sila sa kabuuang bilang ng mga sasakyang tumatakbo sa mga kalsada.

Para gumaan naman ang biyahe at hindi maghirap sa kasasakay ng Grab ang mga pasahero, dapat na paspasan ng gobyernong Duterte ang paggawa ng mga tren.

‚ÄėYun bang tren na kaiba sa sirain na tren noong panahon ni ex-President Noynoy Aquino.

Malalaki ang mga bentahe ng tren.

Malinis na, mabilis pa ang biyahe.

Matutunan din ng mga tao ang hindi magdala ng sarili nilang sasakyan at luluwag ang trapik, bukod pa sa malaki ang bawas sa polusyon at gastos ng mga mamamayan sa produktong petrolyo at maintenance ng sasakyan.

TULOY ANG GIYERA

Ilang oras lang bago nag-usap sina Catholic Bishops Conference of the Philippines president Archbishop Romulo Valles at Pangulong Digong,  nagpakawala ng paninira ang CBCP laban sa Pangulo.

Dinaan kunwari sa dasal pero panay patama o paninira sa Pangulo ang dasal na ipinag-utos ding gawin ng lahat ng mga pari sa mga simbahan.

Lumalabas na walang halaga para sa mga Obispo ang pakikipag-usap ng kanilang pangulo sa Pangulo ng bansa.

Ngayon, matapos ang nasabing pag-uusap, hindi napigilan ng Pangulo ang maglabas ng kanyang mga puna sa mga Obispo.

Kung paano inilalarawan ng mga Obispo na parang kademonyohan ang mga batayang programa ng gobyerno sa droga, krimen at korapsyon, nagrereklamo naman sila kung kinukwestiyon ng Pangulo ang mga batayan din nilang mga paniniwala, programa at gawain.

Pinalalaba pa nga ni Fr. Reyes na susuhulan lang ng Pangulo si Valles ng P100 milyon para manahimik ito sa mga seryosong programa ng Pangulo para sa pagbabago.

 BABALA SA SIMBAHAN

Kung magsimba kayo, mga Bro, sa mga simbahan, kahit pa sa Manila Cathedral at Quiapo, mapapaisip kayo sa mga nakapaskil sa mga dinding at upuan.

Kasama sa mga nakapaskil ang ‚ÄúDon‚Äôt leave your things unattended.‚ÄĚ

Hindi ba ‚ÄúMag-ingat sa mga magnanakaw‚ÄĚ ang ibig sabihin niyan?

Pero tuwang-tuwa naman ang mga Obispo at pari sa ilang naglalakihan at magagarang santo at santa na alaga ng mga korap, druglord, may-ari ng prostitution house at iba pang iligal ang hanapbuhay na isinasama sa mga prusisyon.

Ang mga ito pa ang malakihan kung magbigay ng donasyon sa mga simbahan.

At ang mga anak ng mga korap, druglord, may prostitusyon at iba pang iligal ang hanapbuhay ay kasama sa mga nag-aaral sa mga eskwelahan ng mga pari, madre at Obispo.

Ano ba sa palagay ninyo ang nararapat, mga Bro, sa giyera ng Simbahang Katolika at pamahalaan Duterte?

-ULTIMATUM NI ANTIPORDA