Abusadong MMDA enforcers pwede na ireklamo online

Abusadong MMDA enforcers pwede na ireklamo online

December 9, 2022 @ 10:41 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pwede nang ireklamo online ang mga abusadong traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ito ang sinabi ni MMDA Chairman Atty. Romando Artes kung saan muli nitong inilunsad ang online complaint form sa mga drayber na nais magreklamo sa mga tiwaling kawani ng ahensya.

“Bago po ito, pinadali po natin yung proseso. May ififill-up-an lang silang mabilis, tatlong questions lamang po: pangalan, yung ticket number, at yung kanilang reklamo,” sinabi ni Artes sa panayam ng ABSCBN nitong Biyernes, Disyembre 9.

“At yun po ay ating ipinag-utos na within 72 hours, kailangan i-solve ng ating traffic adjudication division, may mga lawyers po tayo dyan,” dagdag niya.

Dagdag pa, maaari rin na gamitin ang online form para kwestiyonin ang ticket na naibigay sa kanila sa partikular na traffic violation.

Ang mga nais magreklamo online ay maaaring bumisita sa link na ito: https://bit.ly/3J62YhH.

Sa kaugnay na balita, nakakulong na dahil sa pangongotong ang isa nilang enforcer na inireklamo kamakailan.

“Ang mga bagay na ganyan ay hindi naman po natin tino-tolerate, in fact in coordination po tayo sa mga kapwa opisyal at talaga pong pinapaaresto natin at ipinapakasuhan yung mga ganoong pagkukulang ng enforcer na ito,” aniya. RNT/JGC