AC Bonifacio, kasali sa 2019 KCA Social Squad

AC Bonifacio, kasali sa 2019 KCA Social Squad

March 18, 2019 @ 8:21 AM 3 years ago


Manila, Philippines – Napili ng Nickelodeon ang Dance Kids” winner na si AC Bonifacio upang maging miyembro ng 2019 KCA Social Squad.

Sa official statement, sinabi ng Nickelodeon na ang squad ang magpapasilip sa mga fans sa lahat ng exclusive pre-events hanggang sa gaganapin ngayong taon na Kids’ Choice Awards (KCA).

Kabilang na rito ang pasilip sa “Nickelodeon x Instagram Slime Soiree” at paglibot sa KCA venue bago ang big night.

Bukod kay Bonifacio, kasama rin sa squad sina Kids’ Choice Awards Germany 2019 hosts Lisa at Lena, “Favorite Social Music Star” nominees Max at Harvey, Kaj Van Der Voort mula sa  Netherlands, “Favorite Internet Star: Italy” nominee Elisa Maino, “Favorite Latin Influencer” nominee Ami Rodriguez at “Favorite Brazilian Influencer” nominee João Guilherme.

Ang Kids’ Choice Awards 2019 ng Nickelodeon ay gaganapin sa Galen Center sa Los Angeles sa ika-23 ng Marso 2019.

Ipalalabas naman ito sa Asiya sa ika-25 ng Marso.

Si DJ Khaled ang magiging host ng 2019 KCA./Remate News Team