Access road ng Paoay Sand Dunes tapos na; dinagsa ng turista

Access road ng Paoay Sand Dunes tapos na; dinagsa ng turista

October 29, 2020 @ 11:23 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Upang lalong puntahan at madali nang makarating ang mga turista sa kilalang Paoay Sand Dunes, pinagbuti pa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga access road patungo sa nasabing tourist destination.

Pinuri naman ni DPWH Secretary Mark A. Villar ang DPWH Regional Office I para sa matagumpay na pagkumpleto sa pagsesemento sa mga kalsada sa barangay patungo sa Onse Reef Sand Dunes ng Barangay Pacsil, Paoay na magbibigay ng mas ligtas at kombinyenteng biyahe sa mga turista.

Ang nasabing 7.041 lane km road ay ginastusan ng P41.8 milyon sa ilalim ng 2020 General Appropriation Act (GAA).

Pinangunahan naman ni Region 1 Director Ronnel M. Tan, DPWH Ilocos Norte Second District Engineering Office ang pagpapabuti sa nasabing kalsada.

“With the improvement of road leading to the locality, faster access and delivery of goods also are also expected to further boost the growing economy of Ilocos Norte,” ayon kay  Villar.

Ang Paoay Sand Dunes ay isa sa dalawang popular na sand boarding sites sa probinsya at ang isa naman ay sa La Paz Sand Dunes sa  Laoag City. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •  

Loading...