ACCESSIBLE HEALTH CARE KASADO NA SA 5TH DISTRICT, QC

ACCESSIBLE HEALTH CARE KASADO NA SA 5TH DISTRICT, QC

April 9, 2022 @ 12:09 PM 3 months ago


ALAM ba ninyo na magkakaroon na ng affordable at accessible healthcare para sa mahihirap sa Quezon City, lalo na sa 5th District?

Ito ang tiniyak ng nangu-ngunang congressional aspi-rant sa 5th District Rose Nono Lin.

Ayon kay Lin, prayoridad niya ang maayos at modernong health care system at lib-reng edukasyon mula pre-school hanggang kolehiyo sa mga residente ng 5th district.

Paliwanag ni Lin, “Gusto ko lang magkaroon ng affordable and accessible healthcare… karapatan natin na pagdating sa kalusugan ay pantay-pantay lahat.”

Ayon kay Lin, ang nagyayari ngayon, kung sino ang may kakayahan o may pinansya,  sila ang nakakukuha ng best heath care

“Kung sino ang may kakayanan o may pinansya, sila ang nakakukuha o makakakuha ng the best care for their health. Paano naman iyong mga kababayan natin o mga kadistrito natin na kumakayod araw-araw para lang makapagbi-gay ng masarap na pagkain sa hapag-kainan nila,” sambit ni Lin.

“But they don’t have extra money to pay for their laboratories. Kaya kailangan nating isulong na magkaroon ng lib-reng laboratories kahit sa barangay pa lang para magamit at maalagaan sila.”

Ayon kay Lin, pinaplano din niya ang pagtatayo ng  district hospital sa kanyang distrito (5th District) upang maa-sikaso ang medical na pangangailangan ng mga residente rito.

“Regarding naman sa vision ko na magpatayo ng isa pang district hospital dito sa District 5, gusto kong hindi pusho-pusho na ospital. Ibig sabihin, maayos, buhay ang sinasalba natin kaya dapat ang mga equipment o facilities na mayroon tayo ay kayang mag-ligtas ng buhay,” ani Lin

“Kaya kailangan pagdating sa laboratories ay maayos. May mga doktor na titingin at mag-aaruga sa mga pasyente at may mga gamot na naka-ready anytime para kahit papaano makatulong tayo sa mga duktor at nurse at any medical related na trabaho,” dagdag pa niya.

Samantala, pag-aaralan din niya na mapunan ang pagbibi-gay ng “full grant scholarship” ang mga kabataan na gustong mag-aral sa medical education.

“Ang vision ko, mapunan ito sa pamamagitan ng pagbibi-gay ng full grant scholarship sa mga kabataang gustong mag-aral in medical fields para si-gurado na sarili nilang pamilya ang aalagaan nila at hindi nila pababayaan ang mga ito dahil mahalaga ang kalusugan ng bawat isa sa atin at kung hindi natin mapapangangalagaan ang kalusugan natin, lahat ng pinaghirapan natin ay mapupunta lang sa wala,” ayon kay Lin.