Accounting graduate ng UST namayagpag sa October 2022 CPA licensure exams

Accounting graduate ng UST namayagpag sa October 2022 CPA licensure exams

October 27, 2022 @ 2:18 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nanguna ang accounting graduate mula sa University of Sto. Tomas sa October 2022 Certified Public Accountant (CPA) Licensure Examination, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC).

Nakakuha si Francis Matthew Nuñez Obligacion ng percentage rating na 91.00 dahilan upang manguna siya sa 1,722 successful examinees.

Inihayag din ng PRC na sa pagkakataong ito, walang paaralan ang nakapasok bilang isa sa top-performing schools o mga paaralan na may 50 o higit pang examinees na nakapasa na may hindi bababa sa 80% overall passing percentage.

Ikinasa ang October 2022 CPALE noong Oktubre 14-16, 2022 sa testing centers sa National Capital Region, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legaspi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao, at Zamboanga. RNT/SA