ACG nagbabala kontra clickbaits, online scams ngayong kapaskuhan

ACG nagbabala kontra clickbaits, online scams ngayong kapaskuhan

December 13, 2022 @ 2:52 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nagbabala ang Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) sa publiko na mag-ingat kontra “clickbaits” o links na ginagamit ng online scammers upang mambiktima, partikular na ngayong kapaskuhan.

Sinabi ni ACG spokesperson Lt. Michelle Sabino nitong Martes na mas aktibo ang fraudsters na nakawin ang mga bonus at insentibo ng mga tao sa gitna ng nalalapit na implementasyon ng SIM Card Registration Law bago matapos ang taon.

“Yes, (we have been receiving a lot of complaints lately), ang mga kawatan lahat pwedeng gawin paraan para makapanloko and generally lahat ginagawa na ang swindling, estafa, panloloko. Online buying or online selling, even investment scams,” ayon kay Sabino.

“Dahil Christmas, may bonus and capacity to spend or purchase, it is higher than normal that they attack during these times,” dagdag ni Sabino.

Mula Disyembre 27, ire-require na ang mga user na irehistro ang kanilang SIM cards sa loob ng 180 araw mula sa effectivity ng batas, na may extended registration period na hindi lalampas ng 120 araw.

Kapag hindi nairehistro ang SIM sa loob ng nasbaing period, magreresulta ito sa automatic deactivation subalit maaaring  i-reactivate matapos ang registration at hindi dapat gawin lampas limang araw mula sa deactivation.

“If registered, their scamming world will become smaller, because they can be easily identified unlike now, they are hiding under the anonymity of the web,” ayon sa opisyal. RNT/SA