Achievements ng DOLE, hamon sa Marcos admin – Toots Ople

Achievements ng DOLE, hamon sa Marcos admin – Toots Ople

June 29, 2022 @ 7:53 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Ang mga natamo ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa nakalipas na anim na taon ay nagsisilbing hamon para sa darating na administrasyon ni elected President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Ito ang pag-amin mula kay incoming  Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan ‘Toots’ Ople sa kanyang inagurasyon kahapon ng unang OFW-dedicated medical institution sa bansa sa San Fernando, Pampanga.

Naging pangunahing tagapagsalita si Ople para sa espesyal na okasyon na hudyat ng inaabangang pagbubukas ng Ospital ng OFW – isang 100-kama at 6-palapag na pasilidad na may makabagong kagamitan at karampatang tauhan upang magsilbi sa mga medikal na pangangailangan ng mga overseas Filipino workers (OFWs) at ang kanilang mga pamilya nang libre.

Ipinakilala ni outgoing Labor Secretary Silvestre Bello III, sinabi ni Ople na ang OFW Hospital ay isa sa maraming mahahalagang gawain ng DOLE na hahamon sa susunod na pamahalaan na suportahan.

“DOLE has made a lot of projects that would be a challenge for us,” sabi ni Ople.

Makakasama ni Ople ang iba pang mga pangunahing executive na pinili ni Marcos upang patakbuhin ang kanyang Gabinete sa pag-aako sa kanilang mga puwesto pagkatapos ng inagurasyon ng kahalili ni Pangulong Duterte bukas.

Ang DMW ay nilikha upang isentralisa ang mga serbisyo nito para sa mga OFW. Layunin ng hakbang na ilagay ang lahat ng ahensyang may kinalaman sa OFW sa ilalim ng isang departamento. Kabilang dito ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA), Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA) at ang International Labor Affairs Bureau (ILAB) na malapit nang tuluyang alisin sa DOLE.

“I’m happy that aside from the OFW Hospital and other projects of DOLE, we will be inheriting more from the outgoing administration,” sinabi ni Ople, na tinutukoy sina POEA chief Bernard Olalia at OWWA head Hans Leo Cacdac. Sa kanyang talumpati, inanunsyo niyang parehong sasamahan siya nina Olalia at Cacdac para pamunuan ang DMW.

Sa iba pang executive, ang dalawang opisyal ay susi sa mabungang pamumuno ni Bello sa DOLE kung saan nakita ang napakalaking at matagumpay na pagpapauwi sa mahigit isang milyong OFW na apektado ng Covid 19 pandemic.

Sa ilalim ni Bello, pinanatili rin ng Departamento ng Paggawa ang kapayapaang industriyal sa bansa sa pamamagitan ng pagsusulong ng tripartism sa mga manggagawa, employer, at gobyerno.

Sa kabila ng mga hamon na dala ng global health outbreak, pinangunahan ni Bello ang DOLE sa paghahatid ng mandato ng gobyerno na tulungan ang mga distressed workers sa pamamagitan ng mga inisyatiba nito na pinangungunahan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program.

Sinimulan din ni Bello ang assistance program  na tinatawag na AKAP para sa mga OFW na nawalan ng tirahan dahil sa pandemya. Halos 600,000 OFW ang nakinabang sa programa. Jocelyn Tabangcura-Domenden