Acosta kay Briones: ‘No vax, no work’ policy sa mga guro ‘wag ipatupad

Acosta kay Briones: ‘No vax, no work’ policy sa mga guro ‘wag ipatupad

January 31, 2022 @ 5:40 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Umapela si Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida V. Rueda Acosta kay Education Secretary Leonor M. Briones na huwag ipatupad ang  “no vaccination, no work” policy sa mga guro.

“Nananawagan po ako sa inyo. Sana po, iyang ‘no vax, no work’ policy na yan huwag ninyo pong gawin dahil contrary to the law, contrary to the Constitution, contrary to Republic No. Act 11525 (COVID-19 Vaccination Program Act of 2021),” ani Acosta.

“Ngayon kung nangangahas po ang ilang mambabatas na gawing mandatory yan, mag-isip-isip po kayo,” dagdag pa nito.

Maaalalang hindi pa bakunado laban sa COVID si Acosta.

 “Ang dami pong text hindi sila makapagturo, hindi sila makapunta sa school kung hindi sila bakunado,” daing pa nito.

“Umiiyak na po ang ibang guro sa iba’t ibang lugar, Secretary Briones.”

“Kandiliin mo po ang mga titser na may dahilan kung bakit away magpabakuna,” punto pa nito.

Tiniyak naman nito ang legal assistance ng mga guro galing sa PAO.

“Mga teachers nandito po lamang kami. Bukas po ang aming tanggapan. Punta po kayo sa PAO. RNT/FGDC