Active cases sa Valenzuela halos 3k na; 6 tumba sa CAMANAVA

Active cases sa Valenzuela halos 3k na; 6 tumba sa CAMANAVA

January 12, 2022 @ 10:52 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Anim ang patay sa mga lungsod ng Malabon, Navotas at Valenzuela dahil sa COVID-19, habang 5,405 ang active cases sa tatlong siyudad ayon sa pinakahuling ulat ng kanilang mga health offices.

ASinabi ng  Malabon City Health Department, nitong Enero 11 ay tatlo ang binawian ng buhay sa lungsod sa Barangay Baritan (1), Longos (1), at Santulan (1) at umakyat ang COVID death toll ng siyudad sa 667.

Maliban dito, 247 ang nadagdag na confirmed cases mula sa Barangay Acacia (1), Baritan (19), Catmon (11), Concepcion (22), Flores (5), Hulong Duhat (3), Ibaba (12), Longos (31), Maysilo (10), Muzon (5), Niugan (18), Panghulo (13), Potrero (14), San Agustin (21), Santulan (21), Tañong (24), Tinajeros (10), Tonsuya (3), at Tugatog (4). Sa kabuuan ay 22,770 ang positive cases sa lungsod, 1,369 dito ang active cases.

Sa kabilang banda, 33 lamang ang gumaling at sa kabuuan ay 20,734 ang recovered patients. Labingwalo naman ang naitalang reinfection o muling nagpositibo sa COVID-19. Ang mga pasyente ay mula sa Barangay Baritan (1), Ibaba (1), Niugan (3), Panghulo (2), Santulan (4), Tañong (6), at Tugatog (1).

Sa Valenzuela City nito ring Enero 11, dalawa ang patay at sumirit sa 2,996 ang active cases makaraang 485 ang mahawaan at 36 lamang ang gumaling.

Pumalo na sa 39,217 ang confirmed cases sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 35,367 na ang gumaling habang 854 na ang namamatay.

Isa naman ang natodas sa Navotas nitong Enero 10. Hanggang 8 pm ng nasabing petsa ay 1,040 ang active COVID cases sa lungsod matapos na 137 ang magpositibo at 95 ang gumaling.

Sumampa na sa 18,898 ang total cases sa fishing capital, at dito ay 17,287 na ang gumaling at 571 na ang namamatay.

Hindi pa naglalabas ng COVID-19 case update ang Caloocan City habang isinusulat ito. Merly Iral