Active COVID-19 case mas mababa na sa 50K; 4,114 bagong kaso, 6,086 gumaling, 104 patay

Active COVID-19 case mas mababa na sa 50K; 4,114 bagong kaso, 6,086 gumaling, 104 patay

July 6, 2021 @ 4:00 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ngayong araw ng 4,114 na karagdagang kaso ng COVID-19, ayon sa Department of Health

Habang mayroon ding naitalang 6,086 na gumaling at 104 na pumanaw batay sa pinakahuling datos.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.4% (49,613) ang aktibong kaso, 94.8% (1,370,923) na ang gumaling, at 1.75% (25,296) ang namatay.

At ang kabuuang kaso o mga nagpopositibo sa sakit mula nang magsimula ang pandemic ay umabot na sa 1,445,832. Jocelyn Tabangcura-Domenden