Active COVID-19 cases sa Pinas, higit 14K na lang

Active COVID-19 cases sa Pinas, higit 14K na lang

April 24, 2022 @ 8:14 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Department of Health (DOH) nitong Sabado, Abril 23, ng 210 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Dahil dito, umabot na sa 3,684,300 ang kabuuang kaso ng nakahahawang sakit sa bansa.

Sa nakalipas na dalawang linggo, ang National Capital Region pa rin ang nakapagtala ng pinakamataas na bagong kaso na nasa 1,103, sinundan ng Region IV-A na mayroong 461 at Region III, 313.

Sa kabila nito, marami ang nakakarekober sa sakit dahilan ng patuloy na pagbaba ng mga aktibong kaso ng COVID-19.

Mula sa 15,782 na active cases noong Biyernes ay bumaba pa ito sa 14,696 kahapon.

Umakyat naman sa 60,179 ang kabuuang death toll matapos na madagdagan ng 61. RNT/ JCM