Active COVID case sa PNP, 166 na lang

Active COVID case sa PNP, 166 na lang

February 16, 2022 @ 12:03 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Bumulusok pa sa 166 na lang ang bilang ng aktibong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Philippine National Police (PNP) nitong Miyerkoles.

Sa pinakahuling COVID-19 tracker , sinabi ng PNP na mas mababa ito sa 202 aktibong kaso noong Martes.

Samantala, anim na bagong impeksyon naman ang naitala. Ito na ang pinakamababa sa ngayon mula nang maitala ang 548 na bagong kaso noong Enero 14.

Nag-ulat din ang PNP ng 42 na bagong gumaling, kaya umabot na sa 48,456 ang total recoveries sa hanay ng kapulisan.

Nasa 48,750 naman ang kabuuang kumpirmadong kaso mula nang magsimula ang pandemya noong Marso 2020.

Ang bilang ng mga nasawi ay nanatili sa 128.

Samantala, nasa 96.67 porsiyento o 219,632 ang kabuuang bilang ng mga tauhan ng PNP na ganap na nabakunahan mula sa kabuuang 224,875 na tauhan.

Ang mga naghihintay ng pangalawang dose ay nasa 4,452 pa, habang ang mga hindi nabakunahan ay nasa 0.35 porsyento o 791 na lang.

Nasa 107,889 o 49.12 percent na ang bilang ng mga pulis na nakatanggap ng booster o third shot. RNT