Active COVID cases sa Pinas, bumaba sa 10K

Active COVID cases sa Pinas, bumaba sa 10K

January 30, 2023 @ 9:42 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Bumaba sa 10,000 ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas noong Linggo, kahit na iniulat ng bansa ang 166 na bagong impeksyon, ayon sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH).

Ang bilang ng mga aktibong kaso ay bumaba sa 9,982, mas mababa sa 10,038 na iniulat noong Sabado—ang pinakamababa sa halos pitong buwan mula noong 9,703 aktibong kaso na sinusubaybayan noong Hulyo 3 noong nakaraang taon at ang unang pagkakataon na ang kabuuang ay mas mababa sa 10,000.

Ang bagong kaso ay nagdala sa kabuuang caseload sa 4,072,911,na may mga recoveries na tumaas ng 113 hanggang 3,997,162 at ang mga namatay ay tumaas ng 10 hanggang 65,757.

Nangunguna pa rin National Capital Region (NCR) sa may pinakamataas na bilang ng kasong naitala sa nagdaang dalawang linggo na may 806.

Sinundan ng Calabarzon na may 421, Western Visayas na may 256, Central Luzon na may 198, at Davao region na may 195.

Sa mga probinsya at lungsod, ang Manila ang may pinakamaraming kaso na may 148, Quezon City na may 143, Cavite na may 128, Rizal na may 119, at Davao del Sur na may 105.

Sa naturang datos, mayroong 8,769 samples at 8,441 indibidwal na nasuri noong Enero 18 na may cumulative positivity rate na 13.6%.

Nakapagtala rin ang DOH ng bed occupancy rate na 17.9%, na may 4,773 mula sa 26,677 beds na okupado.

Sa datos ng DOH, mayroon nang 166.058 milyong dosis ng mga bakunang COVID-19 na ibinigay noong Enero 18 — 70.981 milyong unang doses, 73.809 milyong kumpletong doses, at 21.266 milyong booster doses. Jocelyn Tabangcura-Domenden