Active COVID cases sa Pinas, bumaba sa 35,101

Active COVID cases sa Pinas, bumaba sa 35,101

August 18, 2022 @ 9:11 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Umabot na sa 35,101 ang aktibong kaso sa Pilipinas matapos makapagtala pa ng 2,892 bagong impeksyon sa COVID-19 nitong Miyerkules

Sa kabuuan, nasa 3,840,943 ang total case load, sinabi ng Department of Health (DOH).

Ang mga bagong kaso noong Miyerkules ay mas mataas kaysa sa 2,633 na naitala noong Martes. Ito ang ikalawang sunod na araw na mayroong hindi bababa sa 2,500 at mas mababa sa 3,000 mga bagong kaso.

Ang mga aktibong kaso ay bumaba pa sa 35,101 mula sa 36,190 noong Martes. Ang mga aktibong kaso noong Miyerkules ay ang pinakamababa sa loob ng 13 araw at minarkahan ang ikaapat na sunod-sunod na araw ng bumababang aktibong kaso.

Sa nakalipas na dalawang linggo, nag-ulat ang National Capital Region (NCR) ng 15,141 bagong kaso, sinundan ng Calabarzon na may 9,450, Central Luzon na may 5,116, Western Visayas na may 2,673, at Cagayan Valley na may 2,199.

Higit pang mga pasyente ang naka-recover na nagdala ng recovery tally sa 3,744,669, habang ang death toll ay tumaas din sa 61,173.

Ang nationwide bed occupancy rate ay tumaas sa 30.9%, habang ang bilang ng mga bed occupancy ay 9,003, habang hindi bababa sa 20,150 ang bakante noong Lunes, Agosto 15.

May kabuuang 24,794 na indibidwal ang nasuri, habang 326 na testing laboratories ang nagsumite ng data noong Martes, Agosto 16. Jocelyn Tabangcura-Domenden