Active COVID cases sa Pinas lumagpas na sa 13,000

Active COVID cases sa Pinas lumagpas na sa 13,000

July 10, 2022 @ 10:55 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sumirit na sa higit 13,000 ang kasalukuyang aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa datos ng Department of Health (DOH).

Sa pinakahuling ulat nito, sinabi ng DOH na ang aktibong kaso ay umakyat sa 13,021, habang 1,825 na bagong impeksyon ang naitala.

Ito ay isang pagtaas mula sa 12,528 aktibong kaso at 1,712 na impeksyon sa COVID-19 na iniulat noong Biyernes.

Ang mga bagong kaso ay nagdala ng nationwide tally sa 3,716,522.

Sinabi ng DOH na nakapagtala ang National Capital Region ng 7,228 bagong kaso sa nakalipas na dalawang linggo, sinundan ng Calabarzon na may 3,127, Western Visayas na may 1,349, Central Luzon na may 1,228, at Central Visayas na may 645.

Mas maraming pasyente ang gumaling sa sakit dahil tumaas ang bilang ng mga gumaling sa 3,642,862, habang nanatili sa 60,639 ang bilang ng mga nasawi sa bansa.

Ang rate ng bed occupancy sa bansa ay nasa 20.5%, na may 5,948 na kama ang naka-occupy at 23,098 na mga kama ang bakante noong Hulyo 7.

May kabuuang 19,944 na indibidwal ang nasuri para sa COVID-19 noong Hulyo 8, habang 323 testing laboratories ang nagsumite ng data. RNT