Active COVID cases sa Valenzuela, 188; Navotas, 21

Active COVID cases sa Valenzuela, 188; Navotas, 21

July 28, 2022 @ 12:45 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Umigkas sa 188 ang active COVID cases sa Valenzuela City, ayon sa pinakahuling ulat ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU).

Ayon sa CESU, hanggang alas-11:59 ng gabi nitong Hulyo 27 ay 155 sa mga active cases ang naka-home quarantine, 29 ang nasa isolation facility at apat ang nasa ospital.

Pumalo na sa 44,680 ang cumulative confirmed cases sa lungsod matapos na 32 ang magpositibo sa virus, habang 43,553 naman ang recovered matapos na may 18 gumaling, at mapalad na na nanatili sa 939 ang COVID casualties.

Nito ring ng Hulyo 27 ay nagtala ang Navotas City Health Department ng 21 active cases, habang 21,227 na ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID sa lungsod.

Umakyat naman sa 20,554 ang bilang ng mga gumaling, at 652 naman ang COVID death toll sa fishing capital.

Patuloy namang nagpapaalala ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas na parating sundin ang health at safety protocols, at magpabakuna o booster para may proteksyon laban sa COVID-19. Merly Iral