Active COVID cases sa Valenzuela 75 na; 1 patay

Active COVID cases sa Valenzuela 75 na; 1 patay

July 8, 2022 @ 11:08 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Isa ang binawian ng buhay sa nakamamatay pa ring COVID-19 sa Valenzuela City habang umakyat na sa 75 ang active cases.

Nakatala ang pinakabagong casualty sa ulat ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU)na may petsang Hulyo 6.

Sa report naman ng CESU nitong Hulyo 7, hanggang 11:59 ng naturang petsa ay nakasaad na 60 aktibong kaso ang naka-home quarantine, 11 ang nasa isolation facility at apat ang naka-admit sa ospital.

Pumalo na sa 44, 925 ang cumulative confirmed cases sa lungsod, at dito ay 43, 282 na ang gumaling, habang 938 na ang namamatay. Merly Iral