Active COVID sa Valenzuela 146 na

Active COVID sa Valenzuela 146 na

July 22, 2022 @ 1:00 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Hindi maawat sa pagdami ang active COVID-19 cases sa Valenzuela City, na 146 na ayon sa pinakahuling ulat ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU).

Batay sa pinakahuling ulat ng CESU, hanggang alas-11:59 kagabi,  Hulyo 21, 122 ang naka-home quarantine, 14 ang nasa isolation facility at 10 naman ang nakaratay sa pagamutan.

Pumalo na sa 44,552 ang cumulative confirmed cases sa lungsod matapos na 34 ang magpositibo sa virus.

Sumampa naman sa 43,467 ang bilang ng mga nakarekober makaraang 12 ang gumaling, habang nanatiling 939 ang COVID death toll. Merly Iral