Actor/comedian son tiklo sa 1K marijuana

Actor/comedian son tiklo sa 1K marijuana

August 11, 2018 @ 5:47 PM 4 years ago


 

Quezon City – Arestado ang anak ng actor/comedian na si Dinky Doo at dalawa nitong kasama sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Quezon City, kagabi Agosto 10, 2018 (Biyernes).

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) P/Chief Supt.Joselito Esquivel Jr.,ang mga nadakip na suspek na sina Michael Clarion, alyas “Kelo”, anak ng actor/comedian na si Dinky Doo, Junard Salas at Jerome Lorenzo, pawang residente ng Palawan St. Brgy.Pag-asa, QC.

Ayon sa report kay QCPD Station 4 Commander, P/Supt. Rossel Cejas, ang tatlo ay nadakip dakong alas-10:30 ng gabi sa Road 8, Novaliches sa nasabing lungsod.

Nakumpiska sa mga suspek ang halos isang kilong pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P95,000, drug pharaphernalia at buy-bust money.

Ayon kay Supt. Cejas, matagal na nilang sinusubaybayan ang kilos ng mga suspek makaraang matukoy na sila ang nagtutulak ng marijuana at bawal na droga sa lugar kaya isinagawa ang buy-bust operation laban sa kanila.

Nakapiit ngayon ang mga suspek sa detention cell ng QCPD Station 4 habang inihahanda ang kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek. (Santi Celario)