ADB: Ekonomiya ng Pinas lalago sa 6%

ADB: Ekonomiya ng Pinas lalago sa 6%

April 6, 2022 @ 11:03 AM 3 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Asian Development Bank (ADB) na inaasahan nitong lalago ang ekonomiya ng Pilipinas ng hindi bababa sa 6% hanggang sa susunod na taon, ngunit idinagdag na may mga panganib na dulot ng patuloy na geopolitical tensions.

Sa isang ulat na inilabas noong Miyerkules, inilista ng regional lender ang growth forecast ng Pilipinas sa 6% para sa 2022, at 6.3% para sa 2023.

Habang ang parehong pagtataya ay mas mabilis kaysa sa 5.6% economic growth na nakamtan noong nakaraang taon, mas mababa pa rin ito sa 7-9% na target ng economic team ng bansa. Ang forecast para sa susunod na taon, sa kabilang banda, ay swak naman sa target na 6-7%.

“The economic recovery is expected to gain traction this year and next, underpinned by strengthening domestic investment and consumption,” anang ADB.

Ang pagluwag sa mga tuntunin sa paglalakbay para sa mga dayuhan na fully vaccinated na laban sa COVID ay magpapalakas din ng turismo at trabaho sa sektor ng serbisyo, dagdag pa ng bangko.

Gayunpaman, nagbabala rin ang ADB na ang “hindi mahuhulaan na pagkakasunud-sunod ng mga pandaigdigang kaganapan” na nagreresulta mula sa digmaang Ukraine-Russia ay nagdulot ng mga panganib sa pananaw nito.

“There is a significant risk that inflation could surge higher with second-round impacts, such as tightening credit markets and higher interest rates,” dagdag pa ng ADB.

“Heightened and extended geopolitical tensions will dampen global growth, including in advanced economies, particularly Europe and the United States, which are among the Philippines’ key export markets,” ayon pa sa ADB. RNT