ADB survey: Mga kasambahay sa Pinas pinakaapektado ng pandemic sa ASEAN

ADB survey: Mga kasambahay sa Pinas pinakaapektado ng pandemic sa ASEAN

September 16, 2020 @ 8:00 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines-Lumabas sa pinakahuling pag-aaral ng Asian Development Bank na kabilang ang mga kasambahay sa Pilipinas sa mga lubhang naapektuhan ng pandemic sa Southeast Asia.

Ayon sa ADB Institute, isinagawa nila ang naturang survey sa mga kasambahay sa mga bansang  Cambodia, Indonesia, Lao PDR, Malaysia, Myanmar, Philippines, Thailand, at Vietnam.

Lumabas sa survey na bumaba ang kita ng may 84%  katulong sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic na pinakamalala sa ASEAN na sinundan ng Indonesia, 81% at Myanman, 78%.

Napag-alaman pa na mahigit isang tao o 73.5 % ng Philippine households ang nawalan ng trabaho o kinailangang bawasan ang kanilang work hours

Idinagdag pa na 10% o 4.6M Pinoy ang nawalan ng trabaho hanggang noong Hulyo 2020 subalit sa isang independent survey, lumabas na mas mataas ang rate na 45.5% o 27.3 milyong unemployed Filipino sa katulad na buwan.

Nabatid na kabilang ang Pilipinas sa mga bansa sa buong mundo na nagpatupad ng mahigpit at mahabang lockdowns mula Marso hanggang Hunyo sa layuning mapigilan ang paglaganap ng COVID-19 subalit nanatiling pinakamataas ang bilang ng mga tinamaan dito. RNT 


  •  
  •  
  •  

Loading...