Address ng 2 ‘di mahanap na balik-bayan mula S. Africa, nasa DOH na

Address ng 2 ‘di mahanap na balik-bayan mula S. Africa, nasa DOH na

December 14, 2021 @ 6:36 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Hindi tumitigil ang Department of Health (DoH) sa pakikipag-ugnayan sa mga concerned local government units upang matunton na ang dalawa pang natitirang balik-bayan na nanggaling sa South Africa.

Sa gitna ito ng patuloy na contract tracing efforts ng gobyerno sa mga umuwing Overseas Filipino Workers mula sa mga bansa kung saan may na-detect na Omicron COVID-19 variant na sinasabing mas nakahahawa at nakapagpapahina ng bisa ng bakuna.

Sa laging handa briefing sinabi ni DOH Usec Maria Rosario Vergeire na mayroon na silang address ng dalawang returning OFW.

Giit niya na ang isa ay mula sa region IV-B, habang taga-Region 10 naman ang isa pa.

Sinabi ni Vergiere na kapwa mayroong negatibong resulta ng RT-PCR test ang dalawang ROFWs nang dumating sa bansa noong November 22.

Sa kasalukuyan, inaalam na aniya ng mga otoridad kung nananatili sa sa mga naturang address ang dalawa.

Matatandaang mayroong walong hinahanap ang DOH na mga ROFWs mula South Africa, nauna nang nahanap ang anim. Kris Jose