Adik na gumahasa, pumatay sa 6-anyos kinasuhan na

Adik na gumahasa, pumatay sa 6-anyos kinasuhan na

May 17, 2022 @ 11:40 AM 1 month ago


BATANGAS CITY-SINAMPAHAN na ng kasong Rape at Homicide ang suspek na ginahasa at pinahirapan muna bago patayin ang 6-anyos na batang babae nitong Sabado sa lungsod na ito.

Ang suspek ay kinilalang si Markver Villanueva, 23-anyos at residente sa Purok 2, Barangay Wawa ng nasabing lungsod na nahaharap rin sa kasong paglabag sa kasong illegal drugs.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, pinahirapan muna ang bata bago patayin ng suspek sa pamamagitan ng pagsakal gamit ang tali.

Nagpositibo rin sa ginawang post mortem examination na walang awang ginahasa ng suspek ang bata at lango ito sa ipinagbabawal na droga ng gawin ang karumal-dumal na krimen.

Matatandaan na bandang 2:04 AM ng Sabado ang natagpuan ang bangkay ni Alejandra Magpantay, 6-anyos, na nakasilid sa garbage bag.

Ayon kay PCapt. Richard de Guzman, chief investigator section ng Batangas City Police Station, posibleng planong itapon ng suspek ang bangkay ng biktima kaya isinilid niya ito sa garbage bag .

Bago ang insidente, huling nakitang buhay ang bata na nanunuod ng basketball sa kanilang lugar./Mary Anne Sapico