Admin aide patay matapos mahulog sa gusali sa Malacañang compound

Admin aide patay matapos mahulog sa gusali sa Malacañang compound

July 14, 2022 @ 3:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Patay ang isang administrative aide makaraang mahulog mula sa isang gusali sa loob ng Malacañang compound sa Maynila.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, nahulog mula sa ikaapat na palapag ng Mabini Hall si Mario Castro, administrative aide ng Information Communications and Technology Office sa ilalim ng Deputy Secretary for Finance and Accounting.

“Kasalukuyang ini-imbestiga ang kanyang pagkamatay at nagco-coordinate ang Presidential Security Group at ang PNP-Security Force Unit,” ani Cruz-Angeles sa press briefing.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang Palasyo sa naulilang pamilya ni Castro. RNT/ JCM