Admin transition dahilan ng pagkaantala sa bayad sa EDSA Carousel buses – LTFRB

Admin transition dahilan ng pagkaantala sa bayad sa EDSA Carousel buses – LTFRB

October 18, 2022 @ 2:57 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Martes na ang naiuulat na pagkaantala sa bayd sa bus consortiums na kalahok sa EDSA Carousel ay dahil sa transition process sa administrasyon.

Inihayag ni LTFRB officer-in-charge Riza Marie Paches na kasalukuyang inililipat ng ahensya ang lumang pondo sa bagong pondo sa EDSA Carousel.

“Nagkaroon tayo ng additional na pondo para hanggang end of the year. So normal lang po talaga na, hindi naman siguro pagre-review, but may transition kasi ‘yung paglipat nila doon sa kabilang pondo na na-use up papunta doon sa bago nating source ng pera,” aniya.

Ayon pa sa kanya, sinusuri ng LTFRB ang naiuulat na delay at tutuparin ang pangako nito na bayaran ang consortiums sa tamang oras.

Nag-aalok ang pamahalaan ng libreng sakay sa EDSA Carousel sa ilalim ng  “Libreng Sakay” program nito, na nakatakdang matapos sa Dsiyembre 31, 2022.

Sa ilalim ng programa, nagha-hire ang gobyerno ng mga bus na magpapasakay nang libre sa commuters. RNT/SA