‘Adobong shabu’ buking sa Davao City Jail

‘Adobong shabu’ buking sa Davao City Jail

September 8, 2021 @ 8:00 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Nabuking ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang shabu na inihalo sa adobomg manok na sana’y ipapasok sa Davao City Jail nitong Martes (September 7).

Nakumpiska sa suspek na si Richard Caybot ang shabu na nagkakahalaga ng P256,000 matapos na inspeksyunin ang dala niyang adobong manok at ‘humba’ bilang ‘paabot’ sa kulungan.

Dahil dito, binalaan ni BJMP chief Jail Director Allan Iral ang mga pamilya ng mga persons deprived of liberty (PDLs) o mga preso na huwag magdala ng mga iligal na kontrabando upang ipasalubong sa kanilang mga kaanak o pamilyang nakakulong sa iba’t ibang piitan sa bansa.

“Hindi po kayo makakalusot dahil lalo kaming mahigpit ngayon hindi lamang dahil sa pandemya kundi alam naming mayroong ilan na magsasamantala sa sistema ng ‘paabot’ sa aming mga pasilidad,” pahayag ng BJMP chief sa isang panayam.

Ang suspek ay nakapiit na sa Talomo Police Station at inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kaniya.

Matatandaan na buwan ng  Hunyo, nasalo naman ng mga jailguards ang bola na inihagis sa compound ng Davao City Jail Male dormitory kung saan nakasilid ang anim na plastic sachet na naglalaman ng shabu. Jan Sinocruz


  •  
  •  
  •