Ads agency sa likod ng ‘Kingmaker’ image sa EDSA, humingi ng dispensa

Ads agency sa likod ng ‘Kingmaker’ image sa EDSA, humingi ng dispensa

July 3, 2022 @ 9:22 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Humingi ng paumanhin noong Sabado ang advertising agency sa likod ng imahe ng dating unang ginang na si Imelda Marcos na nasa isang malaking electronic billboard sa direktor ng dokumentaryo na “The Kingmaker” dahil sa paggamit nito nang walang pahintulot ng larawang ginamit sa pag-promote ng pelikula.

Sa isang pahayag na inilathala sa pamamagitan ng Daily Tribune, humingi ng paumanhin ang Digital Out of Home Philippines sa direktor ng dokumentaryo na si Lauren Greenfield.

Ayon sa larawan ng Philippine Star, lumabas ang imahe ng dating unang ginang sa isang electronic billboard na matatagpuan sa kahabaan ng JP Rizal Avenue sa Makati City. Ang imahe ay may pagbati para sa kaarawan ng dating unang ginang.

ā€œFirst, we would like to sincerely apologize for using your ā€˜Kingmakerā€™ image for our billboards,ā€ anang advertising company. ā€œWe must confess that we were unaware of your copyright, and we appreciate that you brought the matter to our attention.ā€

ā€œPlease be informed that as soon as we were made aware of the issue, we immediately took the greeting down.

ā€œPlease know that we are willing to make this right with you, and if you will need our services in the future, please do not hesitate to give us a call, and we assure you that we will extend all the help that we can give,ā€ saad pa rito.

Bago nito, nauna nang sinita ni Greenfield ang nasabing electronic billboard at ibinabala ang copyright infringement dahil sa paggamit ng kanyang larawan nang walang paalam.

“I have just been notified by friends in the Philippines that my photograph of Imelda Marcos from THE KINGMAKER has been used without permission on a massive billboard owned by a company called Digital Out Of Home PH owned by a Mr. Alvin Carranza, a known Marcos apologist,” ani Greenfield.

“I have already asked Mr Carranza via FB to take this image down immediately. We will see what happensā€¦” RNT