Ads na tutol sa pagpapabakuna kontra COVID-19, ipagpapabawal ng Facebook

Ads na tutol sa pagpapabakuna kontra COVID-19, ipagpapabawal ng Facebook

October 14, 2020 @ 10:33 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

US – Ipagbabawal ng Facebook ang ads na tutol sa pagpapabakuna kontra coronavirus disease (COVID-19).

Pihihintulutan pa rin ang mga post patungkol sa bakuna maliban sa mga tutol sa pagpapabakuna kontra dito.

Una nang ipinagbawal ng Facebook ang mga maling impormasyon patungkol sa COVID-19.

Samantala, ayon sa isang blog post kina Head of Health Kang-Xing Jin at Director of Product Management Rob Leathern magsisimula ang Facebook sa sunod na linggo ng pagbibigay ng impormasyon tungkol sa bakuna at kung papaano ito makukuha.

Nakikipag-ugnayan ang Facebook sa World Health Organization at UNICEF sa kampanya upang mapataas ang antas ng magpapabakuna.

Matatandaang nagkalat ng fake news tungkol sa sakit mula ng pumutok ito sa China. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...