Advertisers ni Vhong, umatras na?

Advertisers ni Vhong, umatras na?

August 9, 2022 @ 7:30 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Usap-usapan ngayon sa socmed na diumano ay umaatras na raw ang mga advertisers sa isang male personality.

Nu’ng una ay wala pa itong pangalan ngunit may mga netizens na nagsasabi na amg komedyanteng si Vhong Navarro raw ang tinutukoy ng blind item.

Sinasabi pa na “na-ghosting” na raw diumano ng mga corporate sponsors si Vhong at nilaglag na raw ng mga bestselling brands dahil sa latest development ng kanyang rape case na isinampa laban sa kanya ng modelong si Deniece Cornejo noon pang 2014.

May kumakalat pa na detalye sa socmed na diumano ay isang cable company ang naglabas daw ng bilin na i-pullout ang ilan sa mga ad collaterals ni Vhong na kanilang endorser.

Sa ngayon kasi ay na-grant ng Court of Appeals ang apila ng kampo ni Cornejo na ibalik ang na-dismiss na kaso at magkaroon ng hearing. Naglabas ng desisyon ang CA kung saan ay inatasan ng nakakataas na hukuman ang Taguig prosecutor’s office na isampa na sa Taguig City Regional Trial Court para magkaroon ng paglilitis kay Vhong at mabigyan ng kanyang “day in court” si Denice para ireklamo ang aktor.

Wala pang pahayag si Vhong sa kumakalat na isyu at bukas ang remate online sa panig ng aktor. JP Ignacio