AES servers, network infra isinara na ng Comelec

AES servers, network infra isinara na ng Comelec

May 30, 2022 @ 4:13 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Isinara na ng Commission on Elections (Comelec) ang automated election system (AES) servers at network infrastructure nito na ginamit sa katatapos lang na 2022 national and local elections.

Sinimulan ng poll body ang proseso ng pagsasara kaninang alas 10:41 ng umaga na live n aini-ere sa kanilang Facebook at Youtube pages.

Unang pinatay ang automated server, physical server at ang network infrastructure sa Backup Data Center-Data One sa Quezon City.

Sinundan iyo ng pag-shutdown ng pinagsamang canvassing system at transmission router database sa Central Data Center sa PLDT Vitro Taguig City.

Kasabay na isinara ng Comelec ang AES servers at network infrastructure sa Transparency Data Center sa PLDT Vitro Parañaque sa system na nasa Central Data Center sa Taguig City.

Ayon kay acting Comelec spokesperson Atty. Rex Laudiangco, ang naturang shutdown procedures ay bahagi ng post-election procedures ng poll body.

“Just like with the transparency server po, there will be a backing up procedure to be followed by the shutdown processes,” ani Laudiangco.

“The Data Centers, similar to the Transparency Server, have already served their purposes po for this election, thus necessitating their decommissioning,” dagdag na mensahe ni Laudiangco sa pamamagitan ng Viber. RNT/JCM