AESPA dinumog ng fans sa Japan!

AESPA dinumog ng fans sa Japan!

August 8, 2022 @ 1:30 PM 2 months ago


YOKOHAMA, Japan – Dinumog ng libo-libong fans ang isinagawang kauna-unahang showcase ng sikat na Kpop group na AESPA sa Japan!

A total of 40,000 fans mula sa 920,000 na mga fans na sumalang sa ticket application ang nabigyan ng pagkakataon na makaharap ang grupo sa kanilang “aespa JAPAN PREMIUM SHOWCASE 2022 – SYNK” sa Pia Arena, Yokohama, Japan.

Sa naturang showcase, ilan sa line up ng performance ng AESPA ay ang kanilang hit songs na “Black Mamba”, “Next Level”, “Savage”, “Girls”, “Life’s Too Short” at “Illusion”.

Laking tuwa naman ang naramdaman ng grupo sa mainit na pagtanggap ng kanilang Japanese fans.

Matatandaan na bago rito ay nagsagawa na rin ng kauna-unahang fanmeet sa Korea ang AESPA. RNT/JGC