AESPA record breaking sa album sales!

AESPA record breaking sa album sales!

July 13, 2022 @ 8:20 PM 1 month ago


SEOUL, South Korea – Nakapagtala ng panibagong milestone at achievement ang sikat na Kpop girl group na AESPA.

Ito ay makaraang masungkit nila ang record ng kauna-unahang girl group na makabenta ng mahigit isang milyong album sa unang linggo ng sales para sa kanilang 2nd mini album.

Matatandaan na nitong Hulyo 8 ay inilabas ng AESPA ang kanilang 2nd mini-album na ‘Girls’ na nakabenta ng mahigit isang milyon sa loob lamang ng isang linggo.

Matatandaan na ngayong taon ay sunod-sunod ang mga naging achievements ng grupo kasama na ang kanilang mga appearances sa US at hit songs. RNT/JGC