AESPA tampok sa summer concert ng ‘Good Morning America’

AESPA tampok sa summer concert ng ‘Good Morning America’

June 29, 2022 @ 12:52 PM 1 month ago


UNITED STATES – Another milestone na naman ang makakamit ng sikat na Kpop girl group na AESPA!

Ito ay makaraang ianunsyo na sila ay magtatanghal sa opening stage ng summer concert na inorganisa ng ‘Good Morning America’, isang sikat na TV show sa Estados Unidos.

Kung magkataon, sila ang kauna-unahang Kpop girl group na magtatanghal dito!

Ito ay gagawin sa Hulyo 8 at inaasahang magpapasiklab sa performance ng kanilang hit tracks tulad ng ‘Next Level’, ‘Savage’ at ang kauna-unahan nilang all-English single na ‘Life’s Too Short’.

Maliban dito, expected rin na sa kaparehong araw ay ilalabas ng AESPA ang title track ng kanilang upcoming 2nd mini album na ‘Girls’. RNT/JGC