AFAD  Defense and Sporting Arms Show dinumog sa SM Megamall

AFAD  Defense and Sporting Arms Show dinumog sa SM Megamall

July 14, 2022 @ 1:47 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Dinumog ng mga gun enthusiasts ang pinakihihintay na  Association of Firearms and Ammunitions Dealers of the Philippines, Inc. (AFAD) Defense and Sporting Arms Show sa Megatrade Hall ng SM Megamall sa Mandaluyong City kahapon.

Tatagal ang gun show mula Huly0 14 hanggang 18 kung saan iba’t ibang klase ng local at imported na baril, bala at paraphernalia mula sa 48 member na association ang matutunghayan sa event.

Ayon kay AFAD president Hagen Alexander Topacio, ang ika-28 edisyon ng gun show ay magiging kakaiba sa lahat ng kanilang ginawang event lalo pa at dalawang taon din napigil ng pandemya ang ganitong programa,

Naging panauhing pandangal sa opening program ng event sina  Senator Ronald Bato Dela Rosa at Philippine National Police officer-in-charge Police Liutenant General Vicente Danao Jr.

 “Filipino is always geared towards being a responsible gun owner. We wanted to showcase the best products available in the market while at the same time informing our customers of the restriction on having a firearm,” pahayag ni  Topacio, 2022 Hanoi, Vietnam Southeast Asian Games clay shooting silver medalist.

Nahalal ang University of the Philippines alumnus na nagtapos ng  Public Administration  bilang bagong presidente ng AFAD, kapalit ng kanyang nakababatang kapatid na si Alaric na matagumpay na nag-organisa ng huling dalawang leg ng Armed Show noong 2019 bago tumama ang COVID-19 pandemic sa bansa at sa iba pang panig ng mundo.

“After almost three years of absence in the observance of health and safety protocol due to pandemic, we’re now back with better and much bigger activities and programs involving our members and affiliated organizations,” sambit ni Topacio.

 “We’re all affected by the pandemic. Nagkaroon ng restriction sa movement. Luckily our business thrives as many of our clients opted to buy firearms for their own protection. No specific occupations, they’re hardworking people. They advocate personal protection and responsible gun ownership,” aniya.

Idinagdag niya na ang mga nagnanais na maging may-ari ng baril ay hinihikayat na makiisa sa programa upang matutunan ang lahat ng pangangailangan sa pamamagitan ng seminar at mga programang pang-edukasyon tungkol sa pagtatanggol sa sarili, responsableng pagmamay-ari ng baril, paghawak sa kaligtasan ng mga baril, patakaran sa regulasyon sa pagmamay-ari ng baril, at iba pang kapana-panabik na aktibidad sa loob ng limang araw na kaganapan.

Inulit ni AFAD Board Member Edwin Ańo, sa kanyang bahagi, na ang AFAD ay nagsusumikap na maglagay ng isang kapaki-pakinabang na programa at edukasyon na kapupulutan ng aral at kaalaman sa  mga armas para sa publiko, mga bisita, at mga mahilig sa baril.

“For the past few years, our country experiences fewer crimes. I believe our regulators, the Philippine National Police (PNP), and the Armed Forces of the Philippines (AFP) were doing a very good job in keeping the peace and the streets safe for the people. Looking forward to working hand in hand with the new administration to improve anything to help us gun owners and the industry as a whole,”pagtatapos ni Topacio.RICO NAVARRO