‘Affordable Casket Act’ itinutulak sa Kamara

‘Affordable Casket Act’ itinutulak sa Kamara

August 10, 2022 @ 10:14 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Naghain si Cebu 5th district Rep. Vincent Franco Frasco fing panukala sa 19th Congress na naglalayon na gawing mura ang disenteng kabaong, partikular na para sa mahirap na mga Pilipino.

Sa ilalim ng House Bill (HB) No. 102 o ang panukalang “Affordable Casket Act”, kinakailangang panatilihin ng lahat na funeral establishments ang availability ng disenteng mga kabaong na hindi lalampas ang presyo sa P20,000.

“In the event that there is no such casket available when needed and the family of the dead is an indigent family or extremely poor family as certified by the barangay chairman or any social worker, the funeral establishment shall be obliged to offer a casket of any higher value but the price to be paid by such indigent family o extremely poor family shall still be an amount not more than P20,000,” saad sa panukala.

Ang buong pamagat ng panukala ay, “An Act regulating the sale of caskets by funeral establishments to ensure availability of affordable caskets, and appropriating funds therefor and for other purposes.” Inihain ito noong Hunyo 30.

Iginiit ni Frasco na ang pagpanaw “has become as costly as living itself” dahil kinakailangang gastusin dito ng mga Pilipino.

Ayon sa mambabatas, nagkakahalaga ang mga kabaong ng P5,000 hanggang P110,000.

Subalit sinabi niya na ang pagbili ng kabaong ay nagiging pabigat pa “to the grief-stricken families, not to mention the indigents and extremely poor”. RNT/SA