AFP COVID-19 cases, umakyat na sa 1,137

AFP COVID-19 cases, umakyat na sa 1,137

August 10, 2020 @ 9:43 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Naitala na sa hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang 1,137 kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), ayon kay spokesman Major General Edgard Arevalo.

Mula sa naturang datos, 138 na ang nakarekober at nag-aantay na ng medical clearance habang 516 naman ang balik serbisyo na.

Binawian naman ng buhay ang 10 tauhan nito kung saan pinakabagong naitala ang senior AFP officer na nasawi sa V. Luna Medical Hospital noong August 6.

“We have yet to receive official medical reports that would reveal the cause of death other than the erstwhile symptoms suggest COVID-19,” aniya.

Kasalukuyan namang mayroong 473 aktibong kaso ang patuloy na nasa ilalim ng gamutan at quarantine. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...