AFP ‘di na kailangan imbestigahan sa isyu ng destabilization plot – spox

AFP ‘di na kailangan imbestigahan sa isyu ng destabilization plot – spox

January 11, 2023 @ 12:12 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Hindi na kailangan pang imbestigahan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay sa lumutang na isyu ng di-umano ay destabilization plot sa militar.

Ito ang sinabi ni spokesperson Colonel Medel Aguilar nitong Miyerkules, Enero 11 sa panayam ng ANC.

“There’s no need for an investigation inside the Armed Forces of the Philippines because even after or during the change of command ceremony, we did not even raise our alert level. We maintained the alert level because everything was normal within the organization,” tugon niya.

“We know that officers come and go, and therefore, we have to follow the chain of command always to make sure that the organization is united and that we are able to perform our mandate and our mission,” dagdag pa ni Aguilar.

Aniya, wala itong ideya kung saan nanggaling ang usap-usapan patungkol sa destabilisasyon dahil patuloy lamang na nakatutok ang AFP sa misyon nito.

Sa kabila nito, inamin niyang hindi niya sakop ang indibidwal na pananaw at emosyon ng ibang miyembro ng AFP.

Matatandaan na nauna nang itinanggi ng AFP at ng Philippine National Police (PNP) ang isyu ng destabilisasyon sa military na kumalat sa social media nitong weekend. RNT/JGC