AFP- Dito deal, paiimbestigahan ni Hontiveros

AFP- Dito deal, paiimbestigahan ni Hontiveros

September 14, 2020 @ 4:17 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Naghain ng isang resolusyon si Senador Risa Hontiveros upang paiimbestigahan ang kasunduan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Dito Telecommunity sa pagtatayo ng cell sites sa loob ng mga kampo militar sa buong bansa.

Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na layunin ng Senate Resolution No.137 na inihain kamakailan na imbestigahan ang national security implication ng kasunduan na pinapayagan ang Dito Telecommunity Corp.,  na magtayo ng equipment at pasilidad sa mga  base militar ng AFP  sa buong bansa.

“Nagpapasakop ba tayo? Ang isang China-owned telco sa kampo ng sarili nating militar ay lubos na kaduda-duda, lalo na at ang Tsina ay hindi humihinto sa agresibong pag-angkin sa West Philippine Sea, pagsira sa ating likas-yaman, at pag-abuso sa mga mangingisdang Pilipino,” ayon kay Hontiveros.

“I will request the Committee on National Defense to hear this resolution in the Senate immediately. Kailangan mabusisi ang kasunduang ito kasi mahirap paniwalaan na walang pansariling interes ang Tsina sa pagtayo nito ng cell sites sa sarili mismo nating military camps. Wala bang ibang cell sites? Bakit kailangan sa military bases? It’s as if the Chinese state itself is present within our military camps. Our national security is at risk here,” giit ng senador.

Iginiit ni Hontiveros na nakatakda sa Article 7 ng Chinese National Intelligence Law na nagsasabing kailangan tumulong ang lahat ng Chinese corporation sa paghahanap at paghahagilap ng intelligence: “any organization or citizen shall support, assist and cooperate with the state intelligence work in accordance with the law.”

“There is also the Chinese Counter-Espionage Law that Chinese corporations cannot refuse to assist their government in this regard. This is already a warning signal, and yet the AFP seems to have forgotten the warning its mother department itself raised last year,” paliwanag ni Hontiveros.

Sinabi pa ni Hontiveros na nauna nang inimbestigahan ng defense officials ang security concern  vis-à-vis the proximity ng mga palisidad na pag-aari ng Philippine Offshore Gaming Operators,  na pawang Chinese nationals ang empleyado, sa base militar at installations.

 “Nabahala nga ang mga defense officials natin sa mga POGOs na malapit sa military bases, hindi ba dapat mas mabahala tayo sa isang China-backed telco sa loob mismo ng mga kampo? It should have been common sense not to allow this,” ayon sa senador.

“We, in the Senate, should exercise our oversight powers at once to ensure that our national security is not undermined. Nangangamba na ang publiko sa patuloy na panghihimasok ng Tsina sa ating bansa, kaya imbestigahan na natin ito para maliwanagan at mapanatag ang mamayang Pilipino,” giit pa ng mambabatas. Ernie Reyes


  •  
  •  
  •  

Loading...