AFP handa sa lahat ng security threats

AFP handa sa lahat ng security threats

December 4, 2022 @ 1:40 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Handa at nangakong tutugunan ng Philippine Army ang lahat ng uri ng banta sa seguridad sa pamamagitan ng pagpapalakas sa pwersa ng pamahalaan.

Ito ang idiniin ni PA assistant chief-of-staff for operations, Col. Alvin V. Luzon, kasabay ng katatapos lamang na Year-end 2022 Operations Family Conference na ginanap nitong Biyernes, Disyembre 2 sa SOTO Grande Hotel sa Katipunan Avenue, Quezon City.

Kasabay ng briefing, ibinahagi ang lahat ng mga tagumpay ng PA batay sa kanilang mandatao na magsanay, bumuo, magpaunlad at sumuporta sa mga ground forces upang matagumpay na maisagawa ang misyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

“Col. Luzon highlighted PA’s thrust to develop the capability of ground forces to address all types of threats and raise the current operational tempo of ground units,” pahayag ni Army spokesperson, Col. Xerxes Trinidad.

Kasabay nito, nagbigay naman si Luzon ng update sa isinasagawang pagpapalakas sa ground units ng PA sa pamamagitan ng
mission-essential equipment at mga programa na magpapalakas sa kampanya ng AFP sa pagtugon sa mga security threats.

”On the whole, the PA as a force provider will continue to effectively perform its core functions to capacitate the PA forces to support the successful execution of the AFP line of efforts and operations,” ani Luzon. RNT/JGC