AFP nagtalaga ng 14 SRR teams sa quake-hit areas

AFP nagtalaga ng 14 SRR teams sa quake-hit areas

July 28, 2022 @ 6:14 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Hindi bababa sa 14 search, rescue, and retrieval (SRR) teams ang ipinakalat sa mga lugar na apektado ng magnitude 7 earthquake na yumanig sa Abra sa Northern Luzon, base sa Armed Forces of the Philippines nitong Huwebes.

Base sa AFP, inasistihan ng 24th Infantry Battalion (24IB) ang mga inilikas na pasyente sa ospital sa Bangued, Abra at itinalaga ang mga tauhan ng 71IB mula Miyerkules para sagipin ang mga residente sa Vigan, Ilocos Sur.

Samantala, tumulong naman ang 54IB, 72nd Division Reconnaissance Company, 502nd Infantry Brigade, at CAFGU Active Auxiliary units sa road-clearing efforts, nagbigay ng transportation assistance, at nagsagawa ng search and rescue operations sa iba’t ibang lugar sa Northern Luzon, dagdag nito.

Gayundin, ipinag-utos ng AFP sa 525th Engineering and Construction Battalion, Philippine Army, 505th Search and Rescue Group of the Philippine Air Force, at sa Naval Installation Command ng Philippine Navy na tumulong sa mga pinakaapektadong lugar.

“Today, soldiers continue the search, rescue, and retrieval operations while other units are helping the DSWD (Department of Social Welfare and Development) distribute relief goods to the affected populace,” pahayag ng AFP.

“The AFP leadership has ordered its units through the Northern Luzon Command to maximize the utilization of personnel, equipment, and other resources to support the humanitarian assistance and disaster response efforts of the local and national governments in badly hit areas to alleviate the situation of the affected residents,” dagdag nito.

Apat na indibidwal ang naiulat na nasawi, habang ang bilang ng mga sugatan ay umabot na sa 131, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Office (NDRRMC) nitong Huwebes. RNT/SA