AFP: PH territory, poprotektahan

AFP: PH territory, poprotektahan

February 20, 2023 @ 9:28 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Linggo ang pagpapanatili sa soberanya at territorial integrity.

Ito ay kasunod ng pangako ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi niya hahayaan na mawala ni isang pulgada ng teritoryo ng Pilipinas sa gitna ng mga agresibong aksyon ng China sa West Philippine Sea.

“Primordial in every action taken by the Armed Forces of the Philippines is its constitutional duty to protect the people and the State. It shall always be true and committed to its mission of safeguarding our country’s sovereignty,” pahayag ni Col. Medel Aguilar, AFP spokesperson.

Sinabi ni Aguilar na ang mga sundalo, mandaragat, piloto at marines “are resolute in ensuring that the interests of the Filipino people in the West Philippine Sea are protected.”

“Guided by the President’s vision, which he emphasized in his message yesterday, our troops will always be ready to provide a safer, more peaceful, and progressive country,” giit niya.

Sa Philippine Military Academy (PMA) alumni homecoming sa Baguio City nitong Sabado, siniguro ni Marcos sa publiko na hindi hahayaan ng kanyang administrasyon na maagaw ng ibang bansa kahit isang pulgada ng teritoryo ng Pilipinas.

Inihayag ito ni Marcos matapos ang laser-pointing incident ng China Coast Guard (CCG) sa BRP Malapascua, isang Philippine Coast Guard (PCG) vessel, sa Ayungin Shoal sa WPS nitong Feb. 6 habang nagsasagawa ng resupply mission ang Philippine Navy. Naging sanhi ito ng pansamantalang pagkabulag ng teFilipino crew, ayon sa PCG.

Subalit iginiit ng Chinese Embassy sa Pilipinas na ang laser na ginamit ng CCG ay para lamang sa pagsukat ng bilis at layo ng PCG vessel. Sinabi nito na namataan ang PCG vessel sa katubigang bahagi ng teritoryo nito.

Ang Ayungin Shoal ay 105 nautical miles west ng Palawan, o saklaw ng Philippines’ 200-nautical mile exclusive economic zone (EEZ).

“We ask for their support and prayer as we, and our comrades in the Philippine Coast Guard, conduct maritime patrols to protect and preserve what rightfully belongs to us,” panawagan ng AFP. RNT/SA