AFP spox Zagala,  incoming PSG chief?

AFP spox Zagala,  incoming PSG chief?

June 26, 2022 @ 10:15 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Si Colonel Ramon Zagala, kasalukuyang tagapagsalita ng  Armed Forces of the Philippines (AFP), ang diumano’y mamumuno sa  Presidential Security Group (PSG).

Tungkulin ng PSG na tiyaking ligtas si President-elect Ferdinand Marcos Jr.  at pamilya nito.

Sa ulat, sinabi ni Colonel Jorry Baclor,  hepe ng AFP public affairs office (PAO),  na wala pa silang natatanggap na kahit na anumang official appointment papers ni  Zagala bagama’t  kinumpirma naman nito na ang ‘eloquent military spokesperson’ ay sinabihan nang mag-report sa Malakanyang.

“I have no official confirmation. What I know is [Zagala] was already told to report to Malacanang for the transition,” ayon kay Baclor .

Sa hiwalay na panayam, tikom naman ang bibig at walang komento si Zagala sa usaping ito.

Subalit may isang source  ang nagsabi na nagpaabot na ng pasasalamat si Zagala para sa kanyang appointment.

“It was his colleagues at the PAO who confirmed it. I congratulated him [for the appointment] and he said ‘thank you,’” ayon sa source.

Sa kabilang dako, magsisilbi rin si Zagala  bilang  “senior military assistant to the President” kapag naupo na siya bilanjg  PSG commander. Kris Jose