AFP, TESDA, DepEd most trusted gov’t agency – Q3 survey

AFP, TESDA, DepEd most trusted gov’t agency – Q3 survey

October 14, 2022 @ 10:27 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Lumabas sa pag-aaral ng Publicus Asia na nakapagtala ng pinakamataas na trust ratings sa mga ahensya ng pamahalaan ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at Department of Education (DepEd) sa ikatlong bahagi ng taong 2022.

Batay sa Pahayag 2022 Third Quarter survey results, nakakuha ng 57% trust rating ang AFP na siyang pinakamataas sa mga ahensya ng gobyerno, sinundan ng TESDA sa 56% at DepEd sa 55%.

Isa sa dahilan ng pagkakaroon ng pinakamataas na rating ng AFP ay ang pakikibahagi nito sa search and rescue operations sa panahon ng kalamidad ayon kay Office of the Press Secretary officer-in-charge Cheloy Garafil.

Maliban sa tatlong nabanggit na ahensya, nakakuha rin ng magandang trust rating ang mga sumusunod:

Bangko Sentral ng Pilipinas (53%)
Department of Social Welfare and Development (49%)
Commission on Higher Education (48%) Department of Science and Technology (47%) Department of Health (45%)
Department of Tourism (44%)
Department of Labor and Employment (44%)

Ang mga nabanggit naman na ahensya ay direktang may ugnayan sa mga tao kung kaya’t nakakuha rin ito ng mataas na trust rating.

Nasa 1,500 registered Filipino voters ang nakilahok sa Pahayag 2022 Third Quarter survey na may wide of margin of error na +/- 3% mula Setyembre 16 hanggang 20, 2022. RNT/JGC